Sapat

Written by Norms Madrid, Elle Madrid, Nikki Tecson, Jonard Bolor, Jem Cubil, and Keiko Necesario Cubil
©2024 VICTORY

Sapat

VERSE 1
Pagsubok ay nasa aming harapan
Lakas Mo ay dama sa kahinaan
Kung minsan di alam ang dahilan
Ngunit Ikaw pala ay nariyan

PRE-CHORUS
Ika’y ligayang ‘di mapantayan
Sa gitna man ng lumbay at alinlangan

CHORUS
O, Panginoon ang pag-ibig Mo’y
Higit sa kayang ibigay ng mundo
Katapatan Mo’y ihahayag ko
Upang makilala ang Ngalan Mo
O Panginoon, O Panginoon

VERSE 2
Hesus Ika’y nasa ‘ming harapan
Ikaw ay dama sa kahinaan
Ikaw lamang ang tanging dahilan
Ang ‘Yong presensya’y laging nariyan

PRE-CHORUS

CHORUS

BRIDGE
Sapat ang biyayang nagmula sa ‘Yo
Sapat ang kaluwalhatian Mo
Sapat ang kapangyarihang taglay Mo
Buong galak itataas Ka, O Kristo
Sapat ang biyayang nagmula sa ‘Yo
Sapat ang kaluwalhatian Mo
Sapat ang kapangyarihang taglay Mo
Buong galak itataas Ka, O Kristo

LAST CHORUS
O, Panginoon ang pag-ibig Mo’y
Higit sa kayang ibigay ng mundo
Katapatan Mo’y ihahayag ko
Upang makilala ang Ngalan Mo
O Panginoon, O Panginoon